Pumapadron ang lamig
Sa aking labi’t humahalik,
Yumayakap sa balikat kong
Tinutugis ng kalungkutan—
Isang liham kang dumating
Sa kanlungan ng aking bisig
Ikaw na umaalingawngaw
Sa batobalani ng panaginip.
Labis ang lamig.
Itay.. Labis ang lamig.
© Sonny C. Sendon